Sa taong 2019, ipinagdiriwang ng Komisyon sa Wikang Filipino ang Buwan ng Wikang Pambansa na may temang “Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino.” Pakikiisa ito ng KWF sa Proklamasyon ng UNESCO ng 2019 International Year of Indigenous Languages (IYIL). Higit pa dito, ang pagdiriwang ay isang mahalagang bahagi sa ipinapatupad ng KWF. Sa loob ng logo ng Komisyon sa Wikang Filipino matatagpuan ang baybayin na “ka”. Pagtatanghal at pagpaparangalan ito ng KWF sa mga katutubong wika at sumisimbulo naman ang sarikulay ng parol sa minimithing kaisahan at epektibong pag-uugnayan sa mga katutubong wika sa bansa. May 130 na katutubong wika ang bansang Pilipinas. Ang mga wikang ito ay dapat nating pahalagahan at pangalagan dahil ang mga ito ay sariling atin.
src:https://m.facebook.com/pg/BSED-FIL-1101-Adbokasiyang-Pangwika-2019-106783467382009/posts/
No comments:
Post a Comment